Add parallel Print Page Options

Ngunit hindi sila nagta­gumpay, ni wala nang lugar sa langit para sa kanila. Itinapon palabas ang isang napakalaking dragon. Siya iyong ahas na mula pa noong unang panahon na ang tawag ay Diyablo at Satanas. Siya yaong nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa at itinapon ding kasama niya ang kaniyang mga anghel.

10 Narinig ko ang isang malakas na tinig na nagsasalita sa langit. Sinabi nito:

Dumating na ngayon ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang paghahari ng Diyos. Ang kapamahalaan ng kani­yang Mesiyas ay dumating sapagkat naihulog na nila ang sumasakdal sa ating mga kapatid. Siya iyong sumasakdal sa kanila sa harapan ng Diyos gabi at araw.

Read full chapter